I took photos using my Siemens M65 on my way to work today.
I usually take the car, pero kasi nga andyan na ang twins at mahal ang gas, bus at jeep muna tayo para makatipid ng konti. Mausok, mainit man o masikip, I actually enjoy it since I see a lot of things that I miss when driving.
There are a number of bus companies that ply the Las Pinas-Lawton-Sta Cruz route. There's RRCG, Bensan, Al Transco, Taz Trans and Arabia Boy(Siguro balbas-sarado ang me ari nito). However my favorite is Igan, the one I'm on right now.
Good thing about Igan buses are their seats. They only accomodate 2 per bench seat. Compare this to three-and-two-seat buses, na pag mataba nakatabi mo, kalahati lang ng puwet ang uupo. Not only that, pag nakaupo ka sa bandang likod at tayuan, pati ilong mo magkaka-gasgas sa sikip ng aisle.
Sayang sira ata ang TV, hindi ko makikita si Love Annover(?) magsayaw today(Thank god!). Question: bakit ba lahat ng buses sa Las Pinas sa GMA7 naka tune?
What's more refreshing than riding in a bus with curtains with rose patterns in the morning?
Flyer pasted on my window. Bakit nga ba gustong-gusto ng tao ang mga tele-novela na puro sampalan, iyakan at awayan? Nakita nyo na ba ang role ni Cherry Gil sa Gulong? May tao nga bang ganun kasama ng ugali? (Btw., hindi ako nanunuod nun, nadadaanan ko lang kasi lahat sila s bahay tagasubaybay ng Gulong.. peks man!)
MP3 player, the new cellphone. Deadma sa katabi nyang mama na naka-sando lang (buti na lang si lola nakatabi ko).
Sa tollgate.
Punuan na.
A caucasian riding a jeep.
Yikes, 7:25 na, malalate na ako (Faster Mr. bus driver, faster!)
Mr. Smiling face kunduktor. Paid P15 and got off at Coastal mall.
From the corner of coastal mall and sucat, I walk 5 minutes to get to the jeepney stop. Good thing they changed that billboard. Its Cesar Montano now, but it used to be a guy wearing just briefs, with a pose as if he was dancing and clapping to a song(nai-imagine ko tuloy ang pictorial nun, hehehe).
My jeepney ride's name is Mhai Mafel(probably the name of the driver's daughters), with a cool benz emblem in front.
Bayad po stories...
Story 1
Tuny sumakay sa jeep, inaantok:
Tuny: Ma, pabili... (ack, tinawanan ng mga kolehiyala, pahiya!)
Story 2
Tuny: Ma, bayad [nagabot ng "pera"]
Driver: [Kinuha, tinignan, sabay kamot at soli ng pagalit] Hindi ako tumatanggap nito!
Tuny: [Nagtaka pa, e nabayad nya e maliit na sobre na may 1x1 picture nya sa loob]
Just made the 7:45 company shuttle. Tayuan na. As usual, corporate chismis habang bumibyahe (may bonus na ba? Sino yung nahuli sa fire escape naghahalikan kahapon?).
22 April 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment